Juan 19

Kaya ito nga ang ginawa ng mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng dalawang kasama ni Hesus na ipinako.

John 19:32 (UKJV) Then came the soldiers, and brake the legs of the first, and of the other which was crucified with him.

30Nang masipsip na ni Hesus ang alak, sinabi niya, “Tapos na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

31Bisperas na noon ng Araw ng Pamamahinga, at dahil ayaw ng mga Hudyo na maiwan sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga, hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nakapako upang madali silang mamatay, at nang maalis agad ang mga bangkay.

32Kaya ito nga ang ginawa ng mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng dalawang kasama ni Hesus na ipinako.

33Ngunit pagdating nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya, kaya hindi na nila binali ang mga binti niya.

34Sa halip, sinaksak ng sibat ng isa sa kanila ang tagiliran ni Hesus at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.