32Kaya ito nga ang ginawa ng mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng dalawang kasama ni Hesus na ipinako.
33Ngunit pagdating nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya, kaya hindi na nila binali ang mga binti niya.
34Sa halip, sinaksak ng sibat ng isa sa kanila ang tagiliran ni Hesus at biglang dumaloy ang dugo at tubig.
35Nakita ko mismo ang mga pangyayari, at isinasalaysay ko ito sa inyo. Totoong nangyari ito, kaya alam kong totoo ang mga sinasabi ko. Isinasalaysay ko ito upang sumampalataya rin kayo.
36Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang sinasabi sa Kasulatan, “Walang mababali ni isa man sa kanyang mga buto.”