40Kinuha nila ang bangkay ni Hesus at nilagyan ng pabango at binalot ng telang lino, ayon sa nakaugalian ng mga Hudyo sa paglilibing.
41Sa lugar kung saan ipinako si Hesus ay may halamanan. At doon ay may isang bagong libingan na hindi pa napapaglibingan.
42Dahil bisperas na noon ng Araw ng Pamamahinga, at dahil malapit lang ang libingang iyon, doon na nila inilibing si Hesus.