Juan 19

Sa lugar kung saan ipinako si Hesus ay may halamanan. At doon ay may isang bagong libingan na hindi pa napapaglibingan.

John 19:41 (UKJV) Now in the place where he was crucified there was a garden; and in the garden a new tomb, wherein was never man yet laid.

39Sinamahan siya ni Nicodemo, ang lalaking bumisita noon kay Hesus isang gabi. Nagdala si Nicodemo ng mga 35 kilo ng pabango na gawa sa pinaghalong mira at aloe.

40Kinuha nila ang bangkay ni Hesus at nilagyan ng pabango at binalot ng telang lino, ayon sa nakaugalian ng mga Hudyo sa paglilibing.

41Sa lugar kung saan ipinako si Hesus ay may halamanan. At doon ay may isang bagong libingan na hindi pa napapaglibingan.

42Dahil bisperas na noon ng Araw ng Pamamahinga, at dahil malapit lang ang libingang iyon, doon na nila inilibing si Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.