Juan 19

Sinamahan siya ni Nicodemo, ang lalaking bumisita noon kay Hesus isang gabi. Nagdala si Nicodemo ng mga 35 kilo ng pabango na gawa sa pinaghalong mira at aloe.

John 19:39 (UKJV) And there came also Nicodemus, which at the first came to Jesus by night, and brought a mixture of myrrh and aloes, about an hundred pound weight.

37Sinasabi rin sa isa pang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang taong sinaksak nila.”

38Pagkatapos nito, hiningi ni Jose na taga-Arimatea ang bangkay ni Hesus kay Pilato. Si Jose ay isang alagad ni Hesus, ngunit palihim lang dahil natatakot siya sa mga pinuno ng mga Hudyo. Pinayagan siya ni Pilato, kaya pinuntahan niya ang bangkay ni Hesus para kunin ito.

39Sinamahan siya ni Nicodemo, ang lalaking bumisita noon kay Hesus isang gabi. Nagdala si Nicodemo ng mga 35 kilo ng pabango na gawa sa pinaghalong mira at aloe.

40Kinuha nila ang bangkay ni Hesus at nilagyan ng pabango at binalot ng telang lino, ayon sa nakaugalian ng mga Hudyo sa paglilibing.

41Sa lugar kung saan ipinako si Hesus ay may halamanan. At doon ay may isang bagong libingan na hindi pa napapaglibingan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.