36Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang sinasabi sa Kasulatan, “Walang mababali ni isa man sa kanyang mga buto.”
37Sinasabi rin sa isa pang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang taong sinaksak nila.”
38Pagkatapos nito, hiningi ni Jose na taga-Arimatea ang bangkay ni Hesus kay Pilato. Si Jose ay isang alagad ni Hesus, ngunit palihim lang dahil natatakot siya sa mga pinuno ng mga Hudyo. Pinayagan siya ni Pilato, kaya pinuntahan niya ang bangkay ni Hesus para kunin ito.
39Sinamahan siya ni Nicodemo, ang lalaking bumisita noon kay Hesus isang gabi. Nagdala si Nicodemo ng mga 35 kilo ng pabango na gawa sa pinaghalong mira at aloe.
40Kinuha nila ang bangkay ni Hesus at nilagyan ng pabango at binalot ng telang lino, ayon sa nakaugalian ng mga Hudyo sa paglilibing.