Juan 2

Sumagot si Hesus, “Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko.”

John 2:4 (UKJV) Jesus says unto her, Woman, what have I to do with you? mine hour is not yet come.

2at naimbitahan din sina Hesus at ang mga alagad niya.

3Nang maubos na ang alak sa handaan, sinabihan si Hesus ng kanyang ina, “Ubos na ang alak.”

4Sumagot si Hesus, “Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko.”

5Sinabi ng ina ni Hesus sa mga katulong, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”

6May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Hudyo sa ritwal nilang paghuhugas. Ang bawat tapayan ay maaaring maglaman ng 75 hanggang 115 litrong tubig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.