4Sumagot si Hesus, “Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko.”
5Sinabi ng ina ni Hesus sa mga katulong, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”
6May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Hudyo sa ritwal nilang paghuhugas. Ang bawat tapayan ay maaaring maglaman ng 75 hanggang 115 litrong tubig.
7Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila ang mga ito.
8Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumalok kayo nang kaunti at dalhin sa namamahala ng handaan.” At dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan.