Juan 20

Kaya pinuntahan ni Maria na taga-Magdala ang mga alagad ni Hesus at ibinalita sa kanila na nakita niya ang Panginoon. At sinabi niya sa kanila ang mga ipinasasabi ni Hesus.

John 20:18 (UKJV) Mary Magdalene came and told the disciples that she had seen the LORD, and that he had spoken these things unto her.

16Sinabi ni Hesus sa kanya, “Maria!” Humarap si Maria kay Hesus at sinabi sa wikang Hebreo, “Raboni!” (na ang ibig sabihin ay “Guro”).

17Sinabi ni Hesus, “Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakabalik sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko at sabihing babalik na ako sa aking Ama na inyong Ama, at sa aking Diyos na inyong Diyos.”

18Kaya pinuntahan ni Maria na taga-Magdala ang mga alagad ni Hesus at ibinalita sa kanila na nakita niya ang Panginoon. At sinabi niya sa kanila ang mga ipinasasabi ni Hesus.

19Nang takip-silim na ng araw na iyon ng Linggo, nagsama-sama ang mga alagad ni Hesus. Ikinandado nila ang mga pinto dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Hudyo. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila, at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan.”

20Pagkasabi niya nito, ipinakita niya ang mga kamay at tagiliran niya. Labis na natuwa ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.