Juan 20

Kaya tumakbo siya at pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na malapit sa puso ni Hesus. At sinabi niya sa kanila, “Kinuha nila sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan siya dinala.”

John 20:2 (UKJV) Then she runs, and comes to Simon Peter, and to the other disciple, whom Jesus loved, and says unto them, They have taken away the LORD out of the tomb, and we know not where they have laid him.

1Kinaumagahan ng Linggo, habang madilim pa, pumunta si Maria na taga-Magdala sa libingan. Nakita niyang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan nito.

2Kaya tumakbo siya at pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na malapit sa puso ni Hesus. At sinabi niya sa kanila, “Kinuha nila sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan siya dinala.”

3Kaya tumakbo si Pedro papunta sa libingan kasama ang nasabing alagad.

4Pareho silang tumakbo, pero mas mabilis ang isa kaysa kay Pedro, kaya nauna itong nakarating sa libingan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.