2Kaya tumakbo siya at pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na malapit sa puso ni Hesus. At sinabi niya sa kanila, “Kinuha nila sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan siya dinala.”
3Kaya tumakbo si Pedro papunta sa libingan kasama ang nasabing alagad.
4Pareho silang tumakbo, pero mas mabilis ang isa kaysa kay Pedro, kaya nauna itong nakarating sa libingan.
5Yumuko siya at sumilip sa loob ng libingan. Nakita niya ang mga telang lino na ipinambalot kay Hesus, pero hindi siya pumasok.
6Kasunod naman niyang dumating si Simon Pedro, at pumasok ito sa libingan. Nakita niya roon ang mga telang lino,