12Sinabi ni Hesus sa kanila, “Halikayoʼt mag-almusal.” Wala ni isa sa mga alagad ni Hesus ang nangahas magtanong kung sino siya dahil alam nila na siya ang Panginoon.
13Kumuha si Hesus ng tinapay at ibinigay sa kanila. Ganoon din ang ginawa niya sa isda.
14Ito na ang ikatlong pagpapakita ni Hesus sa mga alagad niya pagkatapos niyang mabuhay muli.
15Pagkatapos nilang mag-almusal, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit sa mga ito?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam nʼyo pong mahal ko kayo.” Sinabi ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga batang tupa.”
16Muling sinabi ni Hesus, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam nʼyo pong mahal ko kayo.” Sinabi ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”