Juan 21

Sa ikatlong ulit ay sinabi ni Hesus, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba talaga ako?” Nasaktan si Pedro dahil tatlong beses na siyang tinanong kung mahal niya si Hesus. Kaya sumagot siya, “Panginoon, alam nʼyo po ang lahat ng bagay. Alam nʼyo rin pong mahal ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.

John 21:17 (UKJV) He says unto him the third time, Simon, son of Jonas, love you me? Peter was grieved because he said unto him the third time, Love you me? And he said unto him, Lord, you know all things; you know that I love you. Jesus says unto him, Feed my sheep.

15Pagkatapos nilang mag-almusal, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit sa mga ito?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam nʼyo pong mahal ko kayo.” Sinabi ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga batang tupa.”

16Muling sinabi ni Hesus, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam nʼyo pong mahal ko kayo.” Sinabi ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”

17Sa ikatlong ulit ay sinabi ni Hesus, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba talaga ako?” Nasaktan si Pedro dahil tatlong beses na siyang tinanong kung mahal niya si Hesus. Kaya sumagot siya, “Panginoon, alam nʼyo po ang lahat ng bagay. Alam nʼyo rin pong mahal ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.

18Sinasabi ko sa iyo ang totoo, noong bata ka pa, ikaw mismo ang nagbibihis sa sarili mo, at pumupunta ka kung saan mo gusto. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang mga kamay mo at iba na ang magbibihis sa iyo, at dadalhin ka sa lugar na hindi mo gusto.”

19Sinabi ito ni Hesus upang ipahiwatig kung anong klaseng kamatayan ang daranasin ni Pedro upang maparangalan ang Diyos. Pagkatapos, sinabi ni Hesus kay Pedro, “Sumunod ka sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.