Juan 21

Sinabi ito ni Hesus upang ipahiwatig kung anong klaseng kamatayan ang daranasin ni Pedro upang maparangalan ang Diyos. Pagkatapos, sinabi ni Hesus kay Pedro, “Sumunod ka sa akin.”

John 21:19 (UKJV) This spoke he, signifying by what death he should glorify God. And when he had spoken this, he says unto him, Follow me.

17Sa ikatlong ulit ay sinabi ni Hesus, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba talaga ako?” Nasaktan si Pedro dahil tatlong beses na siyang tinanong kung mahal niya si Hesus. Kaya sumagot siya, “Panginoon, alam nʼyo po ang lahat ng bagay. Alam nʼyo rin pong mahal ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.

18Sinasabi ko sa iyo ang totoo, noong bata ka pa, ikaw mismo ang nagbibihis sa sarili mo, at pumupunta ka kung saan mo gusto. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang mga kamay mo at iba na ang magbibihis sa iyo, at dadalhin ka sa lugar na hindi mo gusto.”

19Sinabi ito ni Hesus upang ipahiwatig kung anong klaseng kamatayan ang daranasin ni Pedro upang maparangalan ang Diyos. Pagkatapos, sinabi ni Hesus kay Pedro, “Sumunod ka sa akin.”

20Nang lumingon si Pedro, nakita niyang sumusunod sa kanila ang alagad na malapit sa puso ni Hesus. (Siya ang alagad na nakasandal kay Hesus nang naghahapunan sila, at siya ang nagtanong kay Hesus ng, “Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?”)

21Nang makita siya ni Pedro, nagtanong siya, “Panginoon, paano naman po siya?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.