Juan 21

Nang lumingon si Pedro, nakita niyang sumusunod sa kanila ang alagad na malapit sa puso ni Hesus. (Siya ang alagad na nakasandal kay Hesus nang naghahapunan sila, at siya ang nagtanong kay Hesus ng, “Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?”)

John 21:20 (UKJV) Then Peter, turning about, sees the disciple whom Jesus loved following; which also leaned on his breast at supper, and said, Lord, which is he that betrays you?

18Sinasabi ko sa iyo ang totoo, noong bata ka pa, ikaw mismo ang nagbibihis sa sarili mo, at pumupunta ka kung saan mo gusto. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang mga kamay mo at iba na ang magbibihis sa iyo, at dadalhin ka sa lugar na hindi mo gusto.”

19Sinabi ito ni Hesus upang ipahiwatig kung anong klaseng kamatayan ang daranasin ni Pedro upang maparangalan ang Diyos. Pagkatapos, sinabi ni Hesus kay Pedro, “Sumunod ka sa akin.”

20Nang lumingon si Pedro, nakita niyang sumusunod sa kanila ang alagad na malapit sa puso ni Hesus. (Siya ang alagad na nakasandal kay Hesus nang naghahapunan sila, at siya ang nagtanong kay Hesus ng, “Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?”)

21Nang makita siya ni Pedro, nagtanong siya, “Panginoon, paano naman po siya?”

22Sumagot si Hesus, “Kung gusto ko siyang mabuhay hanggang sa pagbalik ko, ano naman saʼyo? Sumunod ka lang sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.