Juan 21

Dahil dito, kumalat sa mga kapatid sa pananampalataya ang balita na ang alagad na ito ay hindi mamamatay. Ngunit hindi sinabi ni Hesus na hindi siya mamamatay. Ang sinabi lang niya, “Kung gusto ko siyang mabuhay hanggang sa pagbalik ko, ano naman saʼyo?”

John 21:23 (UKJV) Then went this saying abroad among the brethren, that that disciple should not die: yet Jesus said not unto him, He shall not die; but, If I will that he tarry till I come, what is that to you?

21Nang makita siya ni Pedro, nagtanong siya, “Panginoon, paano naman po siya?”

22Sumagot si Hesus, “Kung gusto ko siyang mabuhay hanggang sa pagbalik ko, ano naman saʼyo? Sumunod ka lang sa akin.”

23Dahil dito, kumalat sa mga kapatid sa pananampalataya ang balita na ang alagad na ito ay hindi mamamatay. Ngunit hindi sinabi ni Hesus na hindi siya mamamatay. Ang sinabi lang niya, “Kung gusto ko siyang mabuhay hanggang sa pagbalik ko, ano naman saʼyo?”

24Ako ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at sumulat sa mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pahayag.

25Marami pang mga bagay ang ginawa ni Hesus. Kung isusulat ang lahat ng ito, palagay koʼy hindi magkakasya sa buong mundo ang lahat ng aklat na maisusulat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.