Juan 21

Marami pang mga bagay ang ginawa ni Hesus. Kung isusulat ang lahat ng ito, palagay koʼy hindi magkakasya sa buong mundo ang lahat ng aklat na maisusulat.

John 21:25 (UKJV) And there are also many other things which Jesus did, the which, if they should be written every one, I suppose that even the world itself could not contain the books that should be written. Amen.

23Dahil dito, kumalat sa mga kapatid sa pananampalataya ang balita na ang alagad na ito ay hindi mamamatay. Ngunit hindi sinabi ni Hesus na hindi siya mamamatay. Ang sinabi lang niya, “Kung gusto ko siyang mabuhay hanggang sa pagbalik ko, ano naman saʼyo?”

24Ako ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at sumulat sa mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pahayag.

25Marami pang mga bagay ang ginawa ni Hesus. Kung isusulat ang lahat ng ito, palagay koʼy hindi magkakasya sa buong mundo ang lahat ng aklat na maisusulat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.