9Nagtanong muli si Nicodemo, “Paano po mangyayari ʼyon?”
10Sumagot si Hesus, “Isa kang tanyag na tagapagturo sa Israel, ngunit hindi mo ito nauunawaan?
11Sinasabi ko sa iyo ang totoo, ipinapahayag namin ang aming nalalaman at nagpapatotoo kami tungkol sa aming nasaksihan, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo.
12Kung hindi kayo naniniwala sa mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa kaya kayo maniniwala sa mga sasabihin ko tungkol sa mga bagay sa langit?
13Wala pang nakaakyat sa langit kundi ang Anak ng Tao na bumabâ mula sa langit.