13Wala pang nakaakyat sa langit kundi ang Anak ng Tao na bumabâ mula sa langit.
14Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso doon sa ilang, kailangan ding itaas ang Anak ng Tao
15upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
16“Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17Sapagkat isinugo ng Diyos ang kanyang Anak dito sa sanlibutan upang iligtas ito, hindi upang hatulan.