21Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maipakita na ang kanyang mga gawa ay naaayon sa kalooban ng Diyos.”
22Pagkatapos nito, pumunta si Hesus at ang mga alagad niya sa iba pang lugar na sakop ng Judea. Nanatili sila roon at nagbautismo ng mga tao.
23Nooʼy nagbabautismo rin si Juan sa Enon, malapit sa Salim, dahil maraming tubig doon. Maraming tao ang pumupunta sa kanya para magpabautismo.
24(Nangyari ito bago nakulong si Juan.)
25Ngayon, nagkaroon ng pagtatalo ang ilang alagad ni Juan at ang isang Hudyo tungkol sa ritwal ng paghuhugas.