Juan 3

Sa isang kasalan, ang babaeng ikakasal ay para lamang sa lalaking ikakasal. Ang lalaking abay ay nakatayo at hinihintay ang pagdating ng lalaking ikakasal, at tuwang-tuwa siya kapag narinig niya ang boses nito. Gayundin naman, punong-puno ako ng kagalakan.

John 3:29 (UKJV) He that has the bride is the bridegroom: but the friend of the bridegroom, which stands and hears him, rejoices greatly because of the bridegroom's voice: this my joy therefore is fulfilled.

27Sumagot si Juan, “Hindi matatanggap ng tao ang kahit ano, maliban kung itoʼy ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

28Kayo mismo ang makakapagpatunay na sinabi kong hindi ako ang Mesias, kundi sinugo lamang ako para mauna sa kanya.

29Sa isang kasalan, ang babaeng ikakasal ay para lamang sa lalaking ikakasal. Ang lalaking abay ay nakatayo at hinihintay ang pagdating ng lalaking ikakasal, at tuwang-tuwa siya kapag narinig niya ang boses nito. Gayundin naman, punong-puno ako ng kagalakan.

30Dapat lalo pa siyang maitaas, at ako namaʼy maibaba.

31“Siyaʼy nagmula sa itaas kaya dakila siya sa lahat. Ang nagmula sa lupa ay para sa lupa at ang sinasabi niyaʼy patungkol lamang sa mga bagay dito sa lupa. Ngunit siyaʼy nagmula sa langit, kaya dakila siya sa lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.