Juan 3

“Siyaʼy nagmula sa itaas kaya dakila siya sa lahat. Ang nagmula sa lupa ay para sa lupa at ang sinasabi niyaʼy patungkol lamang sa mga bagay dito sa lupa. Ngunit siyaʼy nagmula sa langit, kaya dakila siya sa lahat.

John 3:31 (UKJV) He that comes from above is above all: he that is of the earth is earthly, and speaks of the earth: he that comes from heaven is above all.

29Sa isang kasalan, ang babaeng ikakasal ay para lamang sa lalaking ikakasal. Ang lalaking abay ay nakatayo at hinihintay ang pagdating ng lalaking ikakasal, at tuwang-tuwa siya kapag narinig niya ang boses nito. Gayundin naman, punong-puno ako ng kagalakan.

30Dapat lalo pa siyang maitaas, at ako namaʼy maibaba.

31“Siyaʼy nagmula sa itaas kaya dakila siya sa lahat. Ang nagmula sa lupa ay para sa lupa at ang sinasabi niyaʼy patungkol lamang sa mga bagay dito sa lupa. Ngunit siyaʼy nagmula sa langit, kaya dakila siya sa lahat.

32Pinapatotohanan niya ang nakita at narinig niya sa langit, pero iilan lang ang naniniwala sa kanyang patotoo.

33Ngunit ang sinumang naniniwala sa kanya ay sumasaksi na totoo ang sinasabi ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.