Juan 3

Ngunit ang sinumang naniniwala sa kanya ay sumasaksi na totoo ang sinasabi ng Diyos.

John 3:33 (UKJV) He that has received his testimony has set to his seal that God is true.

31“Siyaʼy nagmula sa itaas kaya dakila siya sa lahat. Ang nagmula sa lupa ay para sa lupa at ang sinasabi niyaʼy patungkol lamang sa mga bagay dito sa lupa. Ngunit siyaʼy nagmula sa langit, kaya dakila siya sa lahat.

32Pinapatotohanan niya ang nakita at narinig niya sa langit, pero iilan lang ang naniniwala sa kanyang patotoo.

33Ngunit ang sinumang naniniwala sa kanya ay sumasaksi na totoo ang sinasabi ng Diyos.

34Sapagkat ang Mesias na sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos, dahil lubos na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu.

35Mahal ng Ama ang kanyang Anak, at ipinasailalim niya ang lahat ng bagay sa awtoridad ng Anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.