30Dapat lalo pa siyang maitaas, at ako namaʼy maibaba.
31“Siyaʼy nagmula sa itaas kaya dakila siya sa lahat. Ang nagmula sa lupa ay para sa lupa at ang sinasabi niyaʼy patungkol lamang sa mga bagay dito sa lupa. Ngunit siyaʼy nagmula sa langit, kaya dakila siya sa lahat.
32Pinapatotohanan niya ang nakita at narinig niya sa langit, pero iilan lang ang naniniwala sa kanyang patotoo.
33Ngunit ang sinumang naniniwala sa kanya ay sumasaksi na totoo ang sinasabi ng Diyos.
34Sapagkat ang Mesias na sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos, dahil lubos na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu.