14ngunit ang sinumang iinom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na kailanman mauuhaw. Dahil ang tubig na ibibigay ko ay magiging tulad ng isang bukal sa loob niya na magbibigay ng buhay na walang hanggan.”
15Sinabi ng babae, “Bigyan nʼyo po ako ng tubig na sinasabi nʼyo upang hindi na ako muling mauhaw at hindi ko na kailangan pang pumunta rito para umigib.”
16Sinabi sa kanya ni Hesus, “Umuwi ka, tawagin mo ang iyong asawa at isama mo rito.”
17“Wala po akong asawa,” sagot ng babae. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tama ang sinabi mo na wala kang asawa,
18dahil lima na ang naging asawa mo, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Nagsasabi ka nga ng totoo.”