Juan 4

Ang aming mga ninuno ay sumamba sa Diyos sa bundok na ito, ngunit kayong mga Hudyo ay nagsasabi na sa Jerusalem lang dapat sumamba ang mga tao.”

John 4:20 (UKJV) Our fathers worshipped in this mountain; and all of you say, that in Jerusalem is the place where men ought to worship.

18dahil lima na ang naging asawa mo, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Nagsasabi ka nga ng totoo.”

19Sumagot ang babae, “Sa tingin ko, isa po kayong propeta.

20Ang aming mga ninuno ay sumamba sa Diyos sa bundok na ito, ngunit kayong mga Hudyo ay nagsasabi na sa Jerusalem lang dapat sumamba ang mga tao.”

21Sinabi ni Hesus sa kanya, “Maniwala ka sa akin; darating ang panahon na hindi na kayo sasamba sa Ama sa bundok na ito o sa Jerusalem.

22Kayong mga Samaritano ay hindi nakakakilala sa sinasamba ninyo. Ngunit kaming mga Hudyo, kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay mula sa amin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.