Juan 4

Sinabi ng babae, “Alam ko pong darating ang Mesias (na tinatawag ding Kristo). At pagdating niya, ipapaliwanag niya sa amin ang lahat ng bagay.”

John 4:25 (UKJV) The woman says unto him, I know that Messiah comes, which is called Christ: when he has come, he will tell us all things.

23Tandaan mo, darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa Espiritu at katotohanan. Ganyan ang mga taong hinahanap ng Ama na sasamba sa kanya.

24Ang Diyos ay Espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat pinapangunahan ng Espiritu at naaayon sa katotohanan.”

25Sinabi ng babae, “Alam ko pong darating ang Mesias (na tinatawag ding Kristo). At pagdating niya, ipapaliwanag niya sa amin ang lahat ng bagay.”

26Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ako iyon, ako na kausap mo ngayon.”

27Nang sandaling iyon, dumating ang mga alagad ni Hesus. Nagtaka sila nang madatnan nilang nakikipag-usap siya sa isang babae. Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nagtanong, “Ano ang kailangan nʼyo sa kanya?” o “Bakit kayo nakikipag-usap sa kanya?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.