Juan 4

Kaya nagtanungan ang mga alagad niya, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?”

John 4:33 (UKJV) Therefore said the disciples one to another, Has any man brought him ought to eat?

31Samantala, pinapakiusapan ng mga alagad si Hesus at sinabi, “Rabbi, kumain na po kayo.”

32Ngunit sumagot si Hesus, “May pagkain akong hindi ninyo alam.”

33Kaya nagtanungan ang mga alagad niya, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?”

34Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang pagkain ko ay ang pagsunod sa kalooban ng nagsugo sa akin at ang pagtupad sa kanyang ipinapagawa.

35Hindi baʼt may kasabihan kayo, ‘Apat na buwan pa bago ang anihan.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, anihan na! Tingnan ninyo ang mga taong dumarating; tulad sila ng mga trigo sa bukid na hinog na at maaari nang anihin!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.