Juan 4

Ang mga tagapag-ani ay binabayaran na, at ang mga inaani nila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. Kaya parehong matutuwa ang nagtanim at ang nag-ani.

John 4:36 (UKJV) And he that reaps receives wages, and gathers fruit unto life eternal: that both he that sows and he that reaps may rejoice together.

34Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang pagkain ko ay ang pagsunod sa kalooban ng nagsugo sa akin at ang pagtupad sa kanyang ipinapagawa.

35Hindi baʼt may kasabihan kayo, ‘Apat na buwan pa bago ang anihan.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, anihan na! Tingnan ninyo ang mga taong dumarating; tulad sila ng mga trigo sa bukid na hinog na at maaari nang anihin!

36Ang mga tagapag-ani ay binabayaran na, at ang mga inaani nila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. Kaya parehong matutuwa ang nagtanim at ang nag-ani.

37Totoo ang kasabihang, ‘Iba ang nagtatanim at iba naman ang umaani.’

38Sinugo ko kayo para anihin ang hindi ninyo itinanim. Iba ang nagpakahirap, at kayo ang umani ng kanilang pinaghirapan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.