Juan 4

Sinugo ko kayo para anihin ang hindi ninyo itinanim. Iba ang nagpakahirap, at kayo ang umani ng kanilang pinaghirapan.”

John 4:38 (UKJV) I sent you to reap that whereon all of you bestowed no labour: other men laboured, and all of you are entered into their labours.

36Ang mga tagapag-ani ay binabayaran na, at ang mga inaani nila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. Kaya parehong matutuwa ang nagtanim at ang nag-ani.

37Totoo ang kasabihang, ‘Iba ang nagtatanim at iba naman ang umaani.’

38Sinugo ko kayo para anihin ang hindi ninyo itinanim. Iba ang nagpakahirap, at kayo ang umani ng kanilang pinaghirapan.”

39Maraming Samaritano sa bayang iyon ang sumampalataya kay Hesus dahil nagpatotoo ang babae at sinabi, “Sinabi niya saʼkin ang lahat ng ginawa ko.”

40Kaya pagdating ng mga Samaritano kay Hesus, hiniling nila na manatili muna siya roon sa kanila. At nanatili nga siya roon ng dalawang araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.