Juan 4

Dumating sila sa isang bayan na tinatawag na Sicar, malapit sa bukiring ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose.

John 4:5 (UKJV) Then comes he to a city of Samaria, which is called Sychar, near to the parcel of ground that Jacob gave to his son Joseph.

3Kaya umalis siya sa Judea at bumalik sa Galilea.

4Ngunit kinailangan muna niyang dumaan sa Samaria.

5Dumating sila sa isang bayan na tinatawag na Sicar, malapit sa bukiring ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose.

6Matatagpuan doon ang balon na hinukay ni Jacob. Tanghaling-tapat na noon at dahil pagod na si Hesus sa paglalakbay, umupo siya sa tabi ng balon.

7Tumuloy naman ang mga alagad niya sa bayan para bumili ng pagkain. Dumating ang isang babaeng taga-Samaria para umigib. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Puwede bang makiinom?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.