5Dumating sila sa isang bayan na tinatawag na Sicar, malapit sa bukiring ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose.
6Matatagpuan doon ang balon na hinukay ni Jacob. Tanghaling-tapat na noon at dahil pagod na si Hesus sa paglalakbay, umupo siya sa tabi ng balon.
7Tumuloy naman ang mga alagad niya sa bayan para bumili ng pagkain. Dumating ang isang babaeng taga-Samaria para umigib. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Puwede bang makiinom?”
9Sumagot ang babae, “Kayo po ay isang Hudyo at ako namaʼy Samaritana. Bakit po kayo humihingi ng maiinom sa akin?” (Sinabi niya ito dahil hindi nakikihalubilo ang mga Hudyo sa mga taga-Samaria.)