48Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hanggaʼt hindi kayo nakakakita ng mga tanda at kababalaghan, hindi kayo maniniwala sa akin.”
49Sumagot ang opisyal, “Panginoon, sumáma na po kayo sa akin bago mamatay ang anak ko.”
50Sinabi ni Hesus sa kanya, “Puwede ka nang umuwi. Mabubuhay ang iyong anak.” Naniwala ang opisyal sa sinabi ni Hesus at umuwi siya.
51Sa daan pa lang ay sinalubong na siya ng mga alipin niya at sinabi sa kanya na magaling na ang kanyang anak.
52Kaya tinanong niya kung anong oras ito gumaling. Sumagot sila, “Ala-una ng hapon po kahapon nang biglang mawala ang lagnat niya.”