Juan 4

Kaya tinanong niya kung anong oras ito gumaling. Sumagot sila, “Ala-una ng hapon po kahapon nang biglang mawala ang lagnat niya.”

John 4:52 (UKJV) Then enquired he of them the hour when he began to amend. And they said unto him, Yesterday at the seventh hour the fever left him.

50Sinabi ni Hesus sa kanya, “Puwede ka nang umuwi. Mabubuhay ang iyong anak.” Naniwala ang opisyal sa sinabi ni Hesus at umuwi siya.

51Sa daan pa lang ay sinalubong na siya ng mga alipin niya at sinabi sa kanya na magaling na ang kanyang anak.

52Kaya tinanong niya kung anong oras ito gumaling. Sumagot sila, “Ala-una ng hapon po kahapon nang biglang mawala ang lagnat niya.”

53Naalala ng opisyal na sa oras ding iyon ay sinabi sa kanya ni Hesus, “Mabubuhay ang iyong anak.” Kaya siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Hesus.

54Ito ang ikalawang himala at tanda na ginawa ni Hesus sa Galilea pagkagaling niya sa Judea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.