Juan 5

“Sa katunayan, maging si Juan na Tagapagbautismo ay nagpatotoo tungkol sa akin, at sinabi niya sa inyo ang katotohanan nang magsugo kayo ng ilang tao para tanungin siya.

John 5:33 (UKJV) All of you sent unto John, and he bare witness unto the truth.

31“Ngayon, kung ako lang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, kaduda-duda ang sinasabi ko.

32Ngunit may isang nagpapatotoo tungkol sa akin, at alam kong totoo ang kanyang sinasabi.

33“Sa katunayan, maging si Juan na Tagapagbautismo ay nagpatotoo tungkol sa akin, at sinabi niya sa inyo ang katotohanan nang magsugo kayo ng ilang tao para tanungin siya.

34Binanggit ko ang tungkol kay Juan, hindi dahil sa kailangan ko ang patotoo ng tao, kundi upang sa pamamagitan ng kanyang mga salita ay sumampalataya kayo at maligtas.

35Si Juan ay tulad ng isang ilaw na nagliliwanag, at lubos kayong nasiyahan sa liwanag niya sa inyo kahit panandalian lamang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.