Juan 5

Paano kayo mananalig sa akin kung ang papuri lang ng kapwa ang hangad ninyo, at hindi ang papuri ng nag-iisang Diyos?

John 5:44 (UKJV) How can all of you believe, which receive honour one of another, and seek not the honour that comes from God only?

42ngunit alam kong iba kayo. Wala sa puso ninyo ang pagmamahal sa Diyos.

43Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at hindi ninyo ako tinanggap. Ngunit kung may dumarating sa sarili niyang pangalan ay tinatanggap naman ninyo siya.

44Paano kayo mananalig sa akin kung ang papuri lang ng kapwa ang hangad ninyo, at hindi ang papuri ng nag-iisang Diyos?

45“Huwag ninyong isipin na ako ang mag-aakusa sa inyo sa harap ng Ama. Si Moises na inaasahan ninyong mamamagitan para sa inyo, siya mismo ang mag-aakusa sa inyo.

46Sapagkat kung totoong naniniwala kayo kay Moises, maniniwala rin kayo sa akin dahil si Moises mismo ay sumulat tungkol sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.