7Sumagot ang may sakit, “Gusto ko po sana, ngunit walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako ay nauunahan na ako ng iba.”
8Sinabi ni Hesus sa kanya, “Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at lumakad!”
9Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang kanyang higaan at lumakad. Nangyari ito sa Araw ng Pamamahinga,
10kaya sinabi ng mga pinuno ng mga Hudyo sa taong pinagaling, “Araw ng Pamamahinga ngayon kayaʼt labag sa Kautusan ang pagbubuhat mo ng iyong higaan!”
11Ngunit sumagot siya, “Ang taong nagpagaling sa akin ang nag-utos na buhatin ko ito at lumakad.”