Juan 6

Sinabi ni Hesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Malago ang damo sa lugar na iyon at umupo naman ang mga tao. (Ang bilang ng mga lalaki lang ay mga limang libo.)

John 6:10 (UKJV) And Jesus said, Make the men sit down. Now there was much grass in the place. So the men sat down, in number about five thousand.

8Sinabi naman ng isa sa mga alagad niyang si Andres na kapatid ni Pedro,

9“May isang bata rito na may limang tinapay at dalawang isda. Ngunit ano naman ang silbi nito sa ganyan karaming tao?”

10Sinabi ni Hesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Malago ang damo sa lugar na iyon at umupo naman ang mga tao. (Ang bilang ng mga lalaki lang ay mga limang libo.)

11Kinuha ni Hesus ang tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, ipinamahagi ito sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda, at nabusog ang lahat.

12Pagkakain nila, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Tipunin nʼyo ang lahat ng natira para walang masayang.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.