28Kaya tinanong ng mga tao si Hesus, “Ano po ang dapat naming gawin para magawa namin ang nais ng Diyos?”
29Sumagot si Hesus, “Ito ang nais ng Diyos mula sa inyo: Manampalataya kayo sa isinugo niya.”
30Sumagot ang mga tao, “Kung gusto mong maniwala kami saʼyo, patunayan mong isinugo ka ng Diyos. Anong himala ang maipapakita mo sa amin? Makakagawa ka ba ng himalang
31katulad ng manna na kinain ng ating mga ninuno noong nasa ilang sila? Sapagkat ayon sa Kasulatan, binigyan sila ni Moises ng tinapay na mula sa langit.”
32Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama. At ngayoʼy ibinibigay sa inyo ng aking Ama ang tunay na tinapay mula sa langit.