Juan 6

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama. At ngayoʼy ibinibigay sa inyo ng aking Ama ang tunay na tinapay mula sa langit.

John 6:32 (UKJV) Then Jesus said unto them, Verily, verily, I say unto you, Moses gave you not that bread from heaven; but my Father gives you the true bread from heaven.

30Sumagot ang mga tao, “Kung gusto mong maniwala kami saʼyo, patunayan mong isinugo ka ng Diyos. Anong himala ang maipapakita mo sa amin? Makakagawa ka ba ng himalang

31katulad ng manna na kinain ng ating mga ninuno noong nasa ilang sila? Sapagkat ayon sa Kasulatan, binigyan sila ni Moises ng tinapay na mula sa langit.”

32Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama. At ngayoʼy ibinibigay sa inyo ng aking Ama ang tunay na tinapay mula sa langit.

33Sapagkat ang tunay na tinapay na nagmula sa Diyos ay walang iba kundi ang tinapay na mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao.”

34Sinabi ng mga tao, “Bigyan nʼyo po kami ng tinapay na ʼyan sa araw-araw.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.