Juan 6

Sapagkat ang tunay na tinapay na nagmula sa Diyos ay walang iba kundi ang tinapay na mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao.”

John 6:33 (UKJV) For the bread of God is he which comes down from heaven, and gives life unto the world.

31katulad ng manna na kinain ng ating mga ninuno noong nasa ilang sila? Sapagkat ayon sa Kasulatan, binigyan sila ni Moises ng tinapay na mula sa langit.”

32Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama. At ngayoʼy ibinibigay sa inyo ng aking Ama ang tunay na tinapay mula sa langit.

33Sapagkat ang tunay na tinapay na nagmula sa Diyos ay walang iba kundi ang tinapay na mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao.”

34Sinabi ng mga tao, “Bigyan nʼyo po kami ng tinapay na ʼyan sa araw-araw.”

35Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.