Juan 6

Kaya sinabi nila, “Hindi baʼt si Hesus iyan na anak ni Jose? Bakit sinasabi niyang bumaba siya mula sa langit, samantalang kilala natin ang kanyang amaʼt ina?”

John 6:42 (UKJV) And they said, Is not this Jesus, the son of Joseph, whose father and mother we know? how is it then that he says, I came down from heaven?

40Sapagkat kalooban ng aking Ama na ang lahat ng kumikilala at sumasampalataya sa akin na kanyang Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko silang muli sa huling araw.”

41Samantala, nagbulung-bulungan ang mga Hudyo dahil sinabi ni Hesus na siya ang tinapay na mula sa langit.

42Kaya sinabi nila, “Hindi baʼt si Hesus iyan na anak ni Jose? Bakit sinasabi niyang bumaba siya mula sa langit, samantalang kilala natin ang kanyang amaʼt ina?”

43Ngunit sinabi sa kanila ni Hesus, “Tama na ang pagbubulung-bulungan ninyo tungkol sa sinabi ko.

44Walang makakalapit sa akin maliban kung palalapitin sila ng Amang nagsugo sa akin. At ang mga lalapit sa akin ay bubuhayin kong muli sa huling araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.