Juan 6

Walang sinumang nakakita sa Ama maliban sa akin na nagmula sa Diyos. Ako lang ang nakakita sa Ama.

John 6:46 (UKJV) Not that any man has seen the Father, save he which is of God, he has seen the Father.

44Walang makakalapit sa akin maliban kung palalapitin sila ng Amang nagsugo sa akin. At ang mga lalapit sa akin ay bubuhayin kong muli sa huling araw.

45Ayon sa isinulat ng mga propeta, ‘Tuturuan silang lahat ng Diyos.’ Kaya ang lahat ng nakikinig at natututo sa Ama ay lalapit sa akin.

46Walang sinumang nakakita sa Ama maliban sa akin na nagmula sa Diyos. Ako lang ang nakakita sa Ama.

47“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan.

48Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.