Juan 6

Kumain ng ‘manna’ ang mga ninuno ninyo noong nasa ilang sila, subalit namatay din silang lahat.

John 6:49 (UKJV) Your fathers did eat manna in the wilderness, and are dead.

47“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan.

48Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay.

49Kumain ng ‘manna’ ang mga ninuno ninyo noong nasa ilang sila, subalit namatay din silang lahat.

50Ngunit narito ang tinapay na mula sa langit, at hindi na mamamatay ang sinumang kumain nito.

51Ako ang tinapay na mula sa langit. Ang sinumang kumain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. Sapagkat ang ibibigay kong tinapay upang magkaroon ng buhay ang mga tao ay walang iba kundi ang aking katawan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.