Juan 6

Ngunit may ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sinabi ito ni Hesus dahil alam niya sa simula pa kung sino ang mga hindi sumasampalataya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya.

John 6:64 (UKJV) But there are some of you that believe not. For Jesus knew from the beginning who they were that believed not, and who should betray him.

62Paano pa kaya kung makita ninyo ang Anak ng Tao na pumapaitaas pabalik sa kanyang pinanggalingan?

63Ang Espiritu ang siyang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakapagbibigay-buhay.

64Ngunit may ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sinabi ito ni Hesus dahil alam niya sa simula pa kung sino ang mga hindi sumasampalataya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya.

65“Ito ang dahilan kaya sinabi ko sa inyong walang makakalapit sa akin malibang ipahintulot ng Ama,” dagdag pa ni Hesus.

66Mula noon, marami sa mga alagad niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.