9Ito ang sinabi ni Hesus sa kanila at nagpaiwan muna siya sa Galilea.
10Subalit nang umalis na ang mga kapatid ni Hesus, pumunta pa rin siya, pero palihim.
11Doon sa pista, hinahanap siya ng mga pinuno ng mga Hudyo. “Nasaan kaya siya?” tanong nila.
12Maraming bulung-bulungan ang mga tao tungkol kay Hesus. May nagsasabi, “Mabuti siyang tao.” Sabi naman ng iba, “Hindi, niloloko lang niya ang mga tao.”
13Ngunit walang nagsasalita tungkol sa kanya nang hayagan dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Hudyo.