Juan 7

Maraming bulung-bulungan ang mga tao tungkol kay Hesus. May nagsasabi, “Mabuti siyang tao.” Sabi naman ng iba, “Hindi, niloloko lang niya ang mga tao.”

John 7:12 (UKJV) And there was much murmuring among the people concerning him: for some said, He is a good man: others said, Nay; but he deceives the people.

10Subalit nang umalis na ang mga kapatid ni Hesus, pumunta pa rin siya, pero palihim.

11Doon sa pista, hinahanap siya ng mga pinuno ng mga Hudyo. “Nasaan kaya siya?” tanong nila.

12Maraming bulung-bulungan ang mga tao tungkol kay Hesus. May nagsasabi, “Mabuti siyang tao.” Sabi naman ng iba, “Hindi, niloloko lang niya ang mga tao.”

13Ngunit walang nagsasalita tungkol sa kanya nang hayagan dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Hudyo.

14Noong kalagitnaan na ng pista, pumunta si Hesus sa Templo at nangaral.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.