Juan 7

Ngunit kayo rin naman, hindi kayo nagdadalawang-isip na tuparin ang utos ni Moises na kailangang tuliin ninyo ang inyong mga sanggol na lalaki sa ikawalong araw mula nang silaʼy isilang (bagamaʼt ang ritwal na itoʼy hindi galing kay Moises kundi sa mga nauna pang ninuno). At hindi kayo nagdadalawang-isip na tuparin iyon kahit sa Araw ng Pamamahinga.

John 7:22 (UKJV) Moses therefore gave unto you circumcision; (not because it is of Moses, but of the fathers;) and all of you on the sabbath day circumcise a man.

20Sumagot ang mga tao, “Sinasapian ka na siguro ng demonyo! Sino ba ang gustong pumatay sa iyo?”

21Sinabi ni Hesus sa kanila, “Namangha kayo dahil may pinagaling ako noong Araw ng Pamamahinga.

22Ngunit kayo rin naman, hindi kayo nagdadalawang-isip na tuparin ang utos ni Moises na kailangang tuliin ninyo ang inyong mga sanggol na lalaki sa ikawalong araw mula nang silaʼy isilang (bagamaʼt ang ritwal na itoʼy hindi galing kay Moises kundi sa mga nauna pang ninuno). At hindi kayo nagdadalawang-isip na tuparin iyon kahit sa Araw ng Pamamahinga.

23Kung kayo nga, nagtutuli kayo ng sanggol sa Araw ng Pamamahinga upang hindi masuway ang kautusan ni Moises, bakit kayo nagagalit sa akin dahil pinagaling ko ang buong katawan ng isang tao sa Araw ng Pamamahinga?

24Huwag kayong humusga nang paimbabaw, isakatuparan ninyo ang kautusan nang tama.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.