Juan 7

Kung kayo nga, nagtutuli kayo ng sanggol sa Araw ng Pamamahinga upang hindi masuway ang kautusan ni Moises, bakit kayo nagagalit sa akin dahil pinagaling ko ang buong katawan ng isang tao sa Araw ng Pamamahinga?

John 7:23 (UKJV) If a man on the sabbath day receive circumcision, that the law of Moses should not be broken; are all of you angry at me, because I have made a man everything whole on the sabbath day?

21Sinabi ni Hesus sa kanila, “Namangha kayo dahil may pinagaling ako noong Araw ng Pamamahinga.

22Ngunit kayo rin naman, hindi kayo nagdadalawang-isip na tuparin ang utos ni Moises na kailangang tuliin ninyo ang inyong mga sanggol na lalaki sa ikawalong araw mula nang silaʼy isilang (bagamaʼt ang ritwal na itoʼy hindi galing kay Moises kundi sa mga nauna pang ninuno). At hindi kayo nagdadalawang-isip na tuparin iyon kahit sa Araw ng Pamamahinga.

23Kung kayo nga, nagtutuli kayo ng sanggol sa Araw ng Pamamahinga upang hindi masuway ang kautusan ni Moises, bakit kayo nagagalit sa akin dahil pinagaling ko ang buong katawan ng isang tao sa Araw ng Pamamahinga?

24Huwag kayong humusga nang paimbabaw, isakatuparan ninyo ang kautusan nang tama.”

25Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong gustong patayin ng mga pinuno natin?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.