Juan 7

sinabi ng mga kapatid ni Hesus sa kanya, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng mga alagad mo ang mga ginagawa mo?

John 7:3 (UKJV) His brethren therefore said unto him, Depart behind, and go into Judaea, that your disciples also may see the works that you do.

1Pagkatapos nito, nilibot ni Hesus ang Galilea. Iniwasan niyang pumunta sa Judea dahil gusto siyang patayin ng mga pinuno ng mga Hudyo roon.

2Nang malapit na ang pista ng mga Hudyo na tinatawag na Pista ng mga Tolda,

3sinabi ng mga kapatid ni Hesus sa kanya, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng mga alagad mo ang mga ginagawa mo?

4Walang taong gumagawa nang patago kung gusto niyang sumikat. Gumagawa ka na rin lang ng himala, ipakita mo na sa lahat!”

5Sinabi ito ng mga kapatid ni Hesus dahil sila man ay hindi nakakaunawa kung sino siya at kung ano ang kailangan niyang gawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.